LOOK: Pangulong Duterte, sinubukan ang scooter ni Sen. Go

By Angellic Jordan October 17, 2019 - 10:33 PM

Sinubukan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang scooter ni Senator Christopher ‘Bong’ Go.

Ito ay isang araw matapos sumemplang sa kaniyang motor, Miyerkules ng gabi.

Batay sa larawang ibinahagi ni Go, makikitang nakasakay ang pangulo sa itim na motor nito.

Sinabi ng senador na sinubukan lamang ng pangulo ang kaniyang motor sa loob ng Malakanyang bandang 6:00, Huwebes ng gabi.

Hindi naman aniya pinatakbo ng pangulo ang motor.

Matatandaang sinabi ni Presidential spokesman Salvador Panelo na bahagyang nakasugat ang pangulo sa kaniyang siko at tuhod.

TAGS: Rodrigo Duterte, scooter, Sen. Christopher "Bong" Go, Rodrigo Duterte, scooter, Sen. Christopher "Bong" Go

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.