Demolisyon sa 10 gusali sa Boracay, ipinahinto ng korte
Ipinahinto ng Aklan Regional Trial Court (RTC) ang demolisyon sa 10 gusali sa Boracay Island.
Inilabas ang dalawang pahinang temporary restraining order (TRO) na may petsang October 15 ni Aklan RTC Branch 7 acting presiding judge Ronald Exmundo.
Ipinag-utos nito sa lokal na pamahalaan sa pangunguna ni Malay acting Mayor Frolibar Bautista na pansamantalang ihinto ang demolisyon sa 10 gusali sa bahagi ng Bulabog Beach.
Kabilang dito ang mga sumusunod:
– Aira Hotel
– Ventoso Residences
– Freestyle Academy Kite Surfing School
– Kite Center at Banana Bay
– Wind Riders Inn
– Pahuwayan Suites
– Boracay Gems
– Unit 101 ng 7 Stones Boracay Suites
– Unit 107 ng 7 Stones Boracay Suites
– Lumbung Residences
Epektibo ang TRO sa loob ng 20 araw simula sa petsa kung kailan ito ilabas ng korte.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.