Alokasyon ng tubig sa Manila Water, magiging mababa pa rin; Rotational water interruption, posible nang ipatupad
Nag-abiso ang Manila Water Company, Inc. na mananatiling mababa ang alokasyon ng tubig sa kanila.
Sa inilabas na pahayag, sinabi ng water concessionaire na ito ay dahil sa patuloy na pagbaba ng lebel ng tubig sa Angat at Ipo Dam bunsod ng madalang na pag-ulan.
Dahil dito, mananatili anila sa 40 cubic meters per second ang alokasyon ng tubig para sa mga consumer sa Metro Manila.
Mas mababa ito sa normal na alokasyon ng tubig na 46 cubic meters per second.
Sinabi pa ng Manila Water na magiging limitado ang suplay ng tubig kung kaya’t posibleng magsagawa ng karagdagang operational adjustments.
Isa na rito ang muling pagpapatupad ng rotational water service interruption sa mga susunod na araw.
Kasunod nito, muling hinikayat ng water concessionaire ang publiko na magtipid at maging responsable sa paggamit ng tubig.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.