Bilang ng aftershocks matapos ang malakas na lindol sa Mindanao, umabot sa higit 300

By Angellic Jordan October 17, 2019 - 09:02 PM

Courtesy of Sen. Gordon

Umabot sa mahigit 300 ang bilang ng naitalang aftershocks kasunod ng magnitude 6.3 na lindol sa North Cotabato.

Batay sa datos ng Phivolcs, nasa kabuuang 314 na aftershocks ang naramdaman sa Mindanao hanggang 3:00, Huwebes ng hapon (October 17).

Nasa magnitude 1.5 hanggang 5.5 ang naramdamang aftershocks sa rehiyon.

Samantala, umabot naman sa intensity 7 ang pinakamataas na naramdaman sa tatlong lugar.

Kabilang dito ang mga sumusunod:
– Tulunan, North Cotabato
– M’Lang, North Cotabato
– Kidapawan City.

TAGS: aftershocks, lindol, Mindanao, North Cotabato, Philippine Institute of Volcanology and Seismology, aftershocks, lindol, Mindanao, North Cotabato, Philippine Institute of Volcanology and Seismology

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.