2-taong gulang na bata, natagpuang patay sa Negros Oriental

October 17, 2019 - 08:30 PM

Natagpuang wala nang buhay ang dalawang taong gulang na batang babae sa Dauin, Negros Oriental Huwebes ng umaga.

Sa isang panayam, sinabi ni Dauin Police Station chief Captain Ian Baldomero na namataan ang bangkay ng biktimang pinangalanan lamang bilang Angel sa isang bakanteng lote sa Purok 2 sa Barangay Maayong-Tubig bandang 8:30 ng umaga.

Unang iniulat ng pamilya na nawawala ang biktima bandang 4:00, Martes ng hapon, October 15.

Base sa inisyal na imbestigasyon, nakitang walang suot pang-ibaba ang biktima sa lugar.

Sa ngayon, nakilala na ng mga otoridad ang suspek sa karumal-dumal na krimen ngunit tumangging ibigay ang pagkakakilanlan para sa nagpapatuloy na imbestigasyon.

Hinihintay pa ang ilalabas na ulat mula sa PNP Crime Laboratory para makumpirma kung ginahasa ang biktima o hindi.

TAGS: Barangay Maayong-Tubig, Dauin, Dauin Police Station, Negros Oriental, Police Captain Ian Baldomero, Barangay Maayong-Tubig, Dauin, Dauin Police Station, Negros Oriental, Police Captain Ian Baldomero

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.