ARTA chief walang nakikitang mali sa spot-checking ng regulatory agencies sa mga tanggapan ng gobyerno

By Ricky Brozas October 17, 2019 - 08:30 AM

Walang mali sa spot checking ng Civil Service Commission (CSC) sa alinmang tanggapan ng Gobyerno katulad ng senado.

Ito ang paninindigan ni Anti-Red Tape Authority (ARTA) Director General Jeremiah B. Belgica sa isyu ng fact-checking ng CSC sa senado o maging ang ipinatutupad nitong surprise visits sa mga tanggapan ng gobyerno.

Sabi ni Belgica, kung ang ordinaryong indibidwal nga o taxpayer ay may karapatan na kumustahin ang serbisyo o trabaho ng isang ahensiya ng gobyerno lalo pa marahil ang CSC na siyang nagsusulong at nagtitiyak ng maayos at de-kalidad na serbisyo publiko ng mga tanggapan ng gobyerno.

“Yes, yes po. I think yun po ang issue tungkol sa fact-checking na ginagawa po ng Civil Service, yung mga surprise visits po nila. I’m not so familiar kung ano yung kanilang issues or problema po doon, pero I believe, kung ang question po doon ay whether ang Civil Service ay may jurisdiction or authority. I think even ang mga ordinary citizens can check on govt agencies kung ginagawa nila yung trabaho nila” ayon kay Belgica.

Giit ni Belgica, kung wala namang itinatago ay dapat maging bukas ang lahat ng tanggapan ng gobyerno sa spot-checking. Sa katunayan ay kanya rin hinihimok ang lahat ng government regulatory agencies at disciplining bodies katulad ng CSC na magsagawa ng pagsusuri sa mga opisina ng pamahalaan.

“In fact I would encourage all govt regulatory agencies and disciplining bodies to do spot checking regardless kung ano man yung mga govt agencies na yan. Of course with due respect pa rin dun sa ating mga co-equal bodies po” dagdag pa ni Belgica.

Layunin lamang naman aniya ng spot-checking na masiguro na corrupt-free o ligtas sa katiwalian ang mga tanggapan ng gobyerno.

Matatandaang naging kontrobersiyal ang pahayag ni Senate President Vicente Sotto III na dahil sa separation of powers ng lehislatura at ehekutibo ay walang hurisdiksiyon ang CSC para magdaos ng inspeksiyon sa senado.

Ipinunto pa ni Belgica na katulad ng CSC, sila sa ARTA ay may sariling charter na sinasaligan.

“I’m sure si Sen. Sotto actually really knows what he’s saying pero at the same time ang ating constitution kasi has really provided checks and balances as well so yun na lang siguro. I’ll leave it as is. Pero ang gusto ko lang masabi rin dyan, ang ARTA ay nagmo-monitor ng citizens charter ng lahat ng mga govt agencies. In fact by Dec. 6, ang requirements namin sa lahat ng govt agencies ay magsumite nan g kanilang revised citizens charter na tumatalima sa 3-day, 7-days, 20-days processing time. Alam mo ngayon ang lahat ng transaction sa govt hindi na pwedeng lumampas dyan…” saad pa ni Belgica.

Kaniya ring ipinunto ang Executive Order for Freedom of Information ni Pangulong Rodrigo Duterte na nagbibigay laya sa sinumang mamamayang Filipino na suriin ang tanggapan ng gobyerno sa layunin ng “transparency” .

“Kaya nga kung tutuusin, kung iisipin mo nga naman ang Civil Service is a constitutional body. Although what I understand, hindi ko napanood yung hearing, but what I understand is maybe what they were referring to na nakuha na nung ARTA yung trabaho, is dun sa mga in relation to sa citizen’s charter, yung mga no noon break, yang mga yan ay saklaw na ho talaga ng ARTA kung kaya’t kami rin talaga ay nag su surprise inspection. But there are some Civil Service standard issues na hindi ho naming saklaw. So I believe ito po’y meron pa ring hurisdiksyon po ang Civil Service” pagtatapos ni Belgica.

TAGS: Anti-Red Tape Authority, Civil Service Commission, regulatory agencies, spot-checking, Anti-Red Tape Authority, Civil Service Commission, regulatory agencies, spot-checking

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.