PNP nangako sa publiko ng tapat na paglilingkod

By Angellic Jordan October 17, 2019 - 03:16 PM

Photo: EDWIN BACASMAS

Naiintindihan ng Philippine National Police (PNP) ang napaulat na nadismaya umano si Pangulong Rodrigo Duterte kasunod ng kinasasangkutang kontrobersya ukol sa drug recycling o ninja cops.

Sa ipinadalang mensahe, sinabi ni PNP spokesman Brig. Gen. Bernard Banac na tinatanaw ng kanilang hanay ang pahayag ng pangulo bilang hamon para sa pagbabago.

Tiniyak ni Banac na makakaasa ang publiko na tuloy pa rin ang paglilingkod ng pambansang pulisya.

Tuloy pa rin aniya ang mga ikinakasang kampanya kontra sa kriminalidad, ilegal na droga at mga pasaway na pulis.

Mga susunod na araw ay inaasahang ihahayag na ng pangulo ang susunod na pinuno ng PNP.

Noong Lunes ay nagpasya si PNP Chief Oscar Albayalde na bumaga sa active service kaugnay sa nasabing kontrobersiya.

TAGS: albayalde, banac, ninja cops, PNP, albayalde, banac, ninja cops, PNP

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.