Motorcycle taxi dapat gawin nang legal ayon kay Sen. Angara

Palala na ng palala ang kondisyon ng trapiko sa Metro Manila kayat parami nang parami naman ang tumatangkilik sa habal habal o motorcycle for hire.

Ito ang pinuna ni Sen. Sonny Angara kaya’t itinutulak niya na gawin legal na ang operasyon ng mga motorcycle taxis.

Aniya sa usaping teknikal, ilegal pa rin ang operasyon ng mga ito base sa Land Transportation and Traffic Code, na saklaw ang rehistro at operasyon ng lahat ng mga sasakyan sa bansa.

Sinabi nito ang Angkas ay binigyan ng pansamantalang permiso na mag-operate ng anim na buwan simula noong Hunyo 8 bilang pilot o test run.

Ayon sa senador malaking tulong ang mga motorsiklo kapag may aberya sa mga pangunahing ng transportasyon, gaya na lang ng pagkakahinto ng operasyon ng LRT 2.

Sinabi pa ni Angara na hindi maitatanggi ang tulong ng mga motorsiklo kayat nais niyang maamyendahan ang batas para magamit na ang mga motorsiklo sa pagsakay ng pasahero at produkto.

Read more...