Motorcycle taxi dapat gawin nang legal ayon kay Sen. Angara

By Jan Escosio October 17, 2019 - 01:44 PM

Palala na ng palala ang kondisyon ng trapiko sa Metro Manila kayat parami nang parami naman ang tumatangkilik sa habal habal o motorcycle for hire.

Ito ang pinuna ni Sen. Sonny Angara kaya’t itinutulak niya na gawin legal na ang operasyon ng mga motorcycle taxis.

Aniya sa usaping teknikal, ilegal pa rin ang operasyon ng mga ito base sa Land Transportation and Traffic Code, na saklaw ang rehistro at operasyon ng lahat ng mga sasakyan sa bansa.

Sinabi nito ang Angkas ay binigyan ng pansamantalang permiso na mag-operate ng anim na buwan simula noong Hunyo 8 bilang pilot o test run.

Ayon sa senador malaking tulong ang mga motorsiklo kapag may aberya sa mga pangunahing ng transportasyon, gaya na lang ng pagkakahinto ng operasyon ng LRT 2.

Sinabi pa ni Angara na hindi maitatanggi ang tulong ng mga motorsiklo kayat nais niyang maamyendahan ang batas para magamit na ang mga motorsiklo sa pagsakay ng pasahero at produkto.

TAGS: Angkas, habal habal, motorcycle, PH breaking news, Philippine News, Radyo Inquirer, ride hailing app, tagalog news website, Angkas, habal habal, motorcycle, PH breaking news, Philippine News, Radyo Inquirer, ride hailing app, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.