Pangulong Duterte nagtamo ng galos at pasa sa tuhod matapos sumemplang sa motorsiklo
Walang dapat na ikabahala ang publiko sa kalagayan ni Pangulong Rodrigo Duterte matapos sumemplang habang sakay ng motorsiklo, Miyerkules (Oct. 16) ng gabi.
Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, hindi dapat mabahala sa kondisyon ng pangulo.
Totoo aniyang nag-ikot ikot ang pangulo sakay ng motorsiklo sa PSG Compound pero nakaparada na ang motorsiklo nang mangyari ang aksidente.
Inaabot aniya ng pangulo ang kaniyang sapatos nang tumumba at malaglag sa motorsiklo.
Ayon kay Panelo, nagtamo ang pangulo ng minor injuries sa aksidente gaya ng bahagyang mga pasa at kaunting galos sa siko at tuhod.
Sa ngayon ani Panelo ay nagpapahinga ang pangulo sa kaniyang official residence.
Hindi aniya kailangan ng anumang medical procedure ng pangulo at maayos ang kalagayan nito.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.