PSG kinumpirmang naaksidente sa motorsiklo si Pangulong Duterte

By Dona Dominguez-Cargullo October 17, 2019 - 12:49 PM

Kinumpirma ni Presidential Security Group (PSG) Commander Gen. Jose Ariel Niembra na naaksidente sa motorisklo si Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Niembra, sinubukan ng pangulo na paandarin ang motorsiklo Miyerkules (Oct. 17) ng gabi.

Nilinaw naman ni Niembra na hindi nahulog sa motorsiklo ang pangulo.

Isang 3-wheeled motorcycle kasi aniya ang ginamit ng pangulo at sumabit sa obstruction ang isang gulong nito habang palabas ng garage.

Hindi naman aniya mabilis ang andar ng motorsiklo dahil papalabas pa lamang kaya hindi naman bumagsak ang pangulo.

Unang sinabi ni Senator Bong Go na sakay si Duterte ng 650cc dirt bike nang mangyari ang aksidente at naitukod ng pangulo ang kaniyang siko.

Sinabi ni Go na 30 taon nang mahilig sa motorsiklo ang pangulo.

TAGS: Jose Ariel Niembra, Motorcycle accident, PH breaking news, Philippine News, Presidential Security Group, Radyo Inquirer, senator bong go, tagalog news website, Jose Ariel Niembra, Motorcycle accident, PH breaking news, Philippine News, Presidential Security Group, Radyo Inquirer, senator bong go, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.