Pangulong Duterte sumemplang habang sakay ng motorsiklo

(UPDATE) Kinumpirma ni Senator Bong Go na naaksidente si Pangulong Rodrigo Duterte, Miyerkules (Oct. 16) ng gabi.

Ayon sa Go, nangyari ang aksidente habang sakay ang pangulo ng motorsiklo sa compound ng Presidential Security Group (PSG) habang palabas ang pangulo.

Sinabi ni Go na dumaing ang pangulo ng pananakit ng balakang matapos ang aksidente.

Sa ngayon ayon kay Go ay nasa Bahay Pagbabago ang pangulo at nagpapahinga.

Nakatakda patignan ang pangulo kung nagtamo ito ng injuries.

Maliban sa pahayag ni Go ay wala pang ibang detalye na inilalabas ang Malakanyang hinggil sa nangyaring aksidente.

Read more...