Tangkang pambobomba ng ASG sa Maluso, Basilan napigilan ng militar
Napigilan ng militar ang tangkang pambobomba ng Abu Sayyaf Group (ASG) sa Maluso, Basilan.
Anim na improvised explosive devices (IED) ang nakumpiska ng mga miyembro ng 68th IB ng Philippine Army matapos ang engkwentro sa bandidong grupo sa Barangay Calang Canas Martes ng madaling araw.
Sinabi ni 101st Infantry Brigade commander Brig. Gen. Fernando Reyeg, rumesponde ang mga sundalo sa ulat tungkol sa planong paghahasik ng gulo ng Furuji Indama group ng ASG sa lugar.
Tumagal ng 30 minuto ang sagupaan bago tumalilis sa pagtakas ang mga miyembro ng bandidong grupo bitbit ang mga sugatan nilang kasama.
Hanggang Miyerkules ng umaga ay patuloy ang pagtugis sa grupo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.