Bagyong Perla napanatili ang lakas; magpapaulan sa Batanes at Cagayan sa Sabado o Linggo

Napanatili ng tropical depression Perla ang lakas nito habang nasa karagatan ng bansa.

Ang bagyo ay huling namataan sa layong 860 kilometers East ng Tuguegarao City, Cagayan o sa 860 kilometers East ng Aparri, Cagayan.

Kumikilos ang bagyo sa bilis na 10 kilometers bawat oras sa direksyong West Northwest.

Taglay pa rin nito ang lakas ng hanging aabot sa 45 kilometers bawat oras malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 55 kilometers bawat oras.

Ayon sa PAGASA, sa Sabado o Linggo ay maari nang makapaghatid ng kalat-kalat na pag-ulan ang bagyo sa Batanes at Cagayan kanilang ang Babuyan Islands at sa Apayao.

Hindi naman inaasahang lalakas pa ang bagyo.

Maliit na rin ang tsansa na ito ay tumama sa kalupaan.

Read more...