LOOK: Mga makina at iba pang kagamitan para sa pagpapalit ng riles ng MRT-3 inihanda na
Nagpapatuloy ang preparasyon ng pamunuan ng MRT-3 para sa nalalapit na rail replacement activities na gagawin sa darating na Nobyembre 2019.
Noong Lunes ng gabi, inihanda na ng maintenance provider na Sumitomo-MHI-TESP ang mga makina at kagamitang kailangan para sa pagwe-welding ng mga riles.
Bago ang pagpapalit ng mga riles, kailangan munang pagdugtung-dugtungin ang 10 piraso riles na may habang 18 metro kada isa upang makabuo ng isang long-welded rail (LWR) na may kabuuang haba na 180 metro.
Oras na mapalitan ang mga riles ay maiiwasan na ang tagtag sa pagbiyahe ng mga bagon na isa sa mga pangunahing sanhi ng mga problema o aberya sa operasyon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.