Giit ni Gatchalian na nakasaad sa batas na may 10 taon lang ang NGCP para sa kanilang IPO at matagal nang lumipas ang deadline.
Dagdag pa ng namumuno sa Senate Committee on Energy napapagkaitan ang publiko ng kanilang bahagi sa public utility.
Binanggit din nito ang hindi pa rin pagsunod ng Philipine Stock Exchange na isumite ang kanilang position paper kaugnay sa isyu ng IPO ng NGCP.
Gayundin aniya ang Energy Regulatory Commission, na wala pa rin isinusumite sa mga hiningi sa kanila noong huling pagdinig ng komite noon pang Abril.
Ang ERC aniya ay kailangan nang magpalabas ng desisyon sa isyu sa darating na Oktubre 29.
Naniniwala si Gatchalian na malaki ang magiging pakinabang ng mga konsyumer kapag natuloy na ang IPO ng NGCP.
Kayat aniya magpapatawag siya muli ng pagdinig para alamin sa Department of Energy at ERC kung ano na ang estado ng plano ng NGCP.