Delay sa IPO ng NGCP sinilip ni Sen. Win Gatchalian
Kinukwestyon ni Senator Sherwin Gatchalian ang matagal nang pagkakaantala ng initial public offering o IPO ng National Grid Corporation of the Philippines (MGCP).
Giit ni Gatchalian na nakasaad sa batas na may 10 taon lang ang NGCP para sa kanilang IPO at matagal nang lumipas ang deadline.
Dagdag pa ng namumuno sa Senate Committee on Energy napapagkaitan ang publiko ng kanilang bahagi sa public utility.
Binanggit din nito ang hindi pa rin pagsunod ng Philipine Stock Exchange na isumite ang kanilang position paper kaugnay sa isyu ng IPO ng NGCP.
Gayundin aniya ang Energy Regulatory Commission, na wala pa rin isinusumite sa mga hiningi sa kanila noong huling pagdinig ng komite noon pang Abril.
Ang ERC aniya ay kailangan nang magpalabas ng desisyon sa isyu sa darating na Oktubre 29.
Naniniwala si Gatchalian na malaki ang magiging pakinabang ng mga konsyumer kapag natuloy na ang IPO ng NGCP.
Kayat aniya magpapatawag siya muli ng pagdinig para alamin sa Department of Energy at ERC kung ano na ang estado ng plano ng NGCP.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.