35 patay sa aksidente sa Saudi Arabia

Aabot sa 35 katao ang nasawi sa aksidente sa Medina City sa Saudi Arabia.

Naganap ang aksidente, Miyerkules (Oct. 16) ng gabi.

Ayon sa Saudi Press Agency (SPA) sakay ng bus ang 39 na katao mula sa Asian at Arab countries.

Bumangga ang bus sa isang heavy equipment sa bayan ng al-Akhal sa Medina.

Apat sa mga pasahero ang nasugatan.

Patuloy ang imbestigasyon sa nangyaring aksidente.

Read more...