Senator Manny Pacquiao bibida sa isang international war movie

Nakatakdang bumida si Senator Manny Pacquiao sa isang international movie.

Ayon sa ulat, ang pelikula ay nakatakdang i-produce ng Inspire Studios at pinamagatang “Freedom Fighters.”

Sa Instagram post ng isang #villainfy, sinabi na ang pelikula ay hango sa librong “Guerilla Wife,” isang memoir na isinulat ng World War II survivor na si Louise Reid Spencer.

Tungkol ito sa isang grupo ng mga sundalong Amerikano na nanirahan sa Pilipinas noong panahon ng hapon para tulungan ang mga rebelde sa pangunguna ng isang Colonel Peralta.

Ang Colonel Peralta ang nakatakdang gampanan ni Pacquiao.

Sa isang statement mula sa Inspire Studio CEO Francis Ho, magsisimula ang shooting sa susunod na taon at tatampukan din ito ng ilang mga Hollywood stars.

Read more...