Naitala ang pagyanig sa layong 144 kilometers southeast ng Jose Abad Santos alas 9:28 ng umaga ng Huwebes, Oct. 17.
May lalim na 61 kilometers ang lindol at tectonic ang origin.
Ito na ang ikatlong malakas na pagyanig sa Mindanao mula kagabi.
Unang naitala ang magnitude 6.3 na lindol Miyerkules ng gabi sa Tulunan, North Cotabato.
Bago mag alas 5:00 ng umaga ng Huwebes nang tumama naman ang magnitude 5.2 na lindol sa Manay, Davao Oriental.
MOST READ
LATEST STORIES