Magnitude 5.2 na lindol tumama sa Jose Abad Santos, Davao Occidental
UPDATE: Niyanig ng magnitude 5.2 na lindol ang bayan ng Jose Abad Santos sa Davao Occidental.
Naitala ang pagyanig sa layong 144 kilometers southeast ng Jose Abad Santos alas 9:28 ng umaga ng Huwebes, Oct. 17.
May lalim na 61 kilometers ang lindol at tectonic ang origin.
Ito na ang ikatlong malakas na pagyanig sa Mindanao mula kagabi.
Unang naitala ang magnitude 6.3 na lindol Miyerkules ng gabi sa Tulunan, North Cotabato.
Bago mag alas 5:00 ng umaga ng Huwebes nang tumama naman ang magnitude 5.2 na lindol sa Manay, Davao Oriental.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.