Sunog sa Gaisano Mall sa GenSan dahil sa naiwang bukas na kalan

By Dona Dominguez-Cargullo October 17, 2019 - 09:00 AM

Nakabukas na kalan ang hinihinalang dahilan ng pagsiklab ng apoy sa Gaisano Mall sa General Santos City.

Sa inisyal na imbestigasyon ay sa food court ng mall nag-umpisa ang apoy.

Sa pahayag kasi ng ilang nagtatrabaho sa mall, naiwang bukas ang kalan sa isang stall dahil mabilis silang nagtakbuhan palabas nang tumama ang malakas na magnitude 6.3 na lindol.

Alas 6:59 ng umaga ng Huwebes, Oct. 17 ay nananatili sa general alarm ang sunog.

Apektado na ngayon ng sunog ang ikalawa at ikatlong palapag ng mall.

Nagiging maingat din ang mga tauhan ng Bureau of Fire Protection (BFP) at hindi basta-basta mapasok ang mall dahil maari itong gumuho.

TAGS: Bureau of Fire Protection, earthquake, gaisano mall, General Santos City, inquirer, PH news, Philippine breaking news, Radyo Inquirer, Tagalog News Wesbite, Bureau of Fire Protection, earthquake, gaisano mall, General Santos City, inquirer, PH news, Philippine breaking news, Radyo Inquirer, Tagalog News Wesbite

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.