LOOK: Trailer truck tumagilid sa Daang Maharlika, Nueva Vizcaya

(UPDATE) Isang trailer truck ang tumagilid at humambalang sa Daang Maharlika sa Nueva Vizcaya.

Sa update mula sa Department of Public Works and Highways (DPWH), nangyari ang aksidente umaga ng Huwebes, Oct. 17.

Ang truck ay may kargang mga mais nang ito ay tumagilid sa kalsadang sakop ng Balete sa bayan ng Diadi.

Nagdulot ng matinding pagsisikip sa daloy ng traffic sa north at southbound ng Daang Maharlika ang humambalang na truck.

Alas 10:30 na ng umaga nang maitabi ang truck at mapadaanan ang isang linya ng kalsada.

Read more...