Misis ni ‘Tarzan’ actor Ron Ely nasawi sa pananaksak, anak patay din sa pamamaril

By Dona Dominguez-Cargullo October 17, 2019 - 08:14 AM

Patay sa pananaksak ang misis ni ‘Tarzan’ actor na si Ron Ely.

Natagpuang walang buhay at may saksak sa katawan ang 62 anyos na si Valerie Lundeen Ely sa kanilang tahanan sa Santa Barbara County, Southern California.

Ang anak naman nilang lalaki na si Cameron Ely, 30 anyos ay nasawi matapos mabaril ng mga rumespondeng otoridad.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon, nagtungo ang mga otoridad sa bahay ng pamilya Ely matapos na mayroong tumawag sa 911.

Dinatnan nila si Valerie na wala nang buhay at may mga saksak sa katawan.

Natagpuan naman sa labas ng bahay si Cameron at nang lalapitan siya ng mga otoridad ay nanlaban umano ito dahilan para paputukan siya ng baril na kaniyang ikinasawi.

Pinaniniwalaang si Cameron ang suspek sa pananaksak sa kaniyang ina.

Wala namang inilahad sa ulat kung nasaan si Ron Ely nang mangyari ang insidente.

Si Ron Ely ay gumanap na “Tarzan” sa NBC series mula 1966 hanggang 1968.

TAGS: Cameron Ely, Ron Ely, Tarzan, Valerie Lundeen Ely. Southern California, Cameron Ely, Ron Ely, Tarzan, Valerie Lundeen Ely. Southern California

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.