2 arestado sa pagsusugal sa Makati

By Rhommel Balasbas October 17, 2019 - 04:21 AM

Arestado ang dalawang lalaki kabilang ang isang nurse matapos maaktuhang nagsusugal Yabut St. Brgy. Gudalupe Nuevo, Makati.

Ayon sa Makati City Police Station, may isang concerned citizen na nagsumbong ukol sa illegal gambling na nagaganap sa Guadalupe Nuevo.

Rumesponde agad ang mga pulis at naabutang naglalaro ng dice ang 48-anyos na nurse at 36-anyos na driver.

Kinapkapan ang dalawa at nakuhaan ng dalawang plastic sachet ng hinihinalang shabu.

Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 at PD 1602 o illegal gambling.

TAGS: Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, illegal gambling, Makati, Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, illegal gambling, Makati

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.