Mga atletang gold medalist binigyan ng P1M cash incentive ni Pangulong Duterte

By Chona Yu October 17, 2019 - 01:49 AM

Presidential Photo

Tumataginting na P1 milyong incentive ang ibinigay ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga atletang nakasungkit ng gintong medalya sa iba’t ibang international sports competition.

Sa courtesy call kagabi sa Malakanyang, sinabi ni Senador Christopher Bong Go na ibinigay ng pangulo ang P1 milyong cash incentive kina Carlos Edriel Yulo na nakasungkit ng gold medal sa world artistic gymnastics championship sa Germany at Nesthy Petecio, isa ring gold medalist sa AIBA Women’s World Boxing championship sa Russia.

Binigyan din ng pangulo ng isang milyong pisong cash si Ernest John Obiena na nakapaguwi rin ng pole vault gold sa kompetisyon sa Italy noong Hulyo

Tig-kalahating milyong piso naman ang ibinigay ni Pangulong duterte kina Hidilyn Diaz na nakapag-uwi ng dalawang bronze medals sa 2019 International Weightlifting Federation World Championships sa Thailand at Eumir Marcial na silver medalist sa AIBA World Boxing Championships sa Russia.

TAGS: Carlos Edriel Yulo, Ernest John Obiena, gold medalists, Nesthy Petecio, Rodrigo Duterte, Carlos Edriel Yulo, Ernest John Obiena, gold medalists, Nesthy Petecio, Rodrigo Duterte

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.