Sumiklab ang sunog sa isang sikat na mall sa General Santos City, Miyerkules ng gabi.
Ito ay kasunod ng tumamang magnitude 6.3 na lindol sa North Cotabato na naramdaman sa ilang parte ng Mindanao.
Batay sa ulat, nagsimula ang sunog sa unang palapag ng Gaisano Mall bandang alas-8:00 ng gabi.
Sa video ni Sherlyn Mejia Escalada makikita ang lagablab ng apoy.
Nagkaroon ng blackout sa General Santos ilang sandali matapos ang lindol.
Nang magbalik ang kuryente ay sumiklab na ang sunog sa Gaisano Mall.
Intensity 5 ang lakas ng lindol na naramdaman sa General Santos City.
MOST READ
LATEST STORIES