Pagpasok ng pork products sa Cebu mula Luzon, ipinagbabawal pa rin

By Angellic Jordan October 16, 2019 - 08:59 PM

Ipinagbabawal pa rin ang pagpasok sa probinsya ng Cebu ng mga karne ng baboy mula sa Luzon.

Ito ay sa kabila ng inilabas na kautusan ng Department of Interior and Local Government (DILG) na bawiin na ang ban.

Sa isang panayam, sinabi ni Cebu Governor Gwendolyn Garcia na hindi maaaring hayaang makapasok ang pork products sa naturang probinsya kasunod ng patuloy na pagkalat ng African Swine Fever (ASF) sa Luzon.

Nirerespeto aniya niya si DILG Secretary Eduardo Año ngunit responsibilidad niyang protektahan ang probinsya sa anumang banta.

Malaking problema aniya kung maaapektuhan ang P10.9 bilyong halaga ng hog industry sa probinsya.

Nasa 56 probinsya sa Visayas at Mindanao ang nagpatupad ng pagbabawal ng pagpasok ng pork products mula sa Luzon dahil sa naturang sakit sa baboy.

TAGS: ASF, baboy, ban, cebu, Cebu Governor Gwendolyn Garcia, ASF, baboy, ban, cebu, Cebu Governor Gwendolyn Garcia

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.