Mayor Moreno, humirit ng isang birthday gift sa mga Manileño

By Angellic Jordan October 16, 2019 - 08:27 PM

Humiling si Mayor Isko Moreno sa mga residente ng Maynila ng isang regalo sa kaniyang kaarawan.

Sa inilabas na liham, sa kaarawan sa October 24, hiniling ng alkalde sa bawat residente at opisyal ng pamahalaang lungsod na sama-samang maglinis sa kanilang komunidad, opisina at lugar na nasasakupan.

“Sa darating na ika-24 ng Oktubre, Huwebes, kasabay ng pagdiriwang ng aking kaarawan ay hinihiling ko na sama-sama tayong maglinis at mag-ayos ng ating pamayanan, tanggapan, gusali at mga nasasakupan,” pahayag ni Moreno.

Inatasan ng alkalde ang Manila Tourism and Cultural Bureau (MTCB) para pangunahan ang aktibidad simula 7:00 ng umaga.

Umaasa naman si Moreno na makikiisa ang lahat sa cleanup drive bilang simbolo ng pagkakaisa at paghahangad ng pagbabago sa lungsod ng mga taga-Maynila.

Si Moreno ay magiging 45 taong gulang na sa October 24.

TAGS: Birthday, cleanup drive, Manila Tourism and Cultural Bureau, Maynila, Mayor Isko Moreno, Birthday, cleanup drive, Manila Tourism and Cultural Bureau, Maynila, Mayor Isko Moreno

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.