Pangulong Duterte, posibleng sundin ang seniority sa pagpili ng susunod na PNP chief – Go

Posibleng sundin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang seniority sa pagpili ng susunod na hepe ng Philippine National Police (PNP).

Sa panayam ng mga reporter sa New Clark City, sinabi ni Senator Christopher ‘Bong’ Go na malaking bagay sa pangulo ang seniority.

Tinitignan din aniyang mabuti ng pangulo kung sino ang competent at tapat sa serbisyo.

Kabilang sa ibinigay na listahan ng pagpipilian ng pangulo ay ang mga sumusunod:
– P/Lt. Gen. Archie Francisco Gamboa
– P/Lt. Gen. Camilo Pancratius Cascolan
– P/Maj. Gen. Guillermo Eleazar

Sa tatlo, sina Gamboa at Cascolan ang senior bilang mistah ni dating PNP chief General Oscar Albayalde sa Philippine Military Academy (PMA) Class of 1986.

Si Eleazar ay miyembro naman ng PMA Class of 1987.

Read more...