Net satisfaction rating ni Robredo, tumaas sa 3rd quarter ng 2019 – SWS survey
Tumaas ang net satisfaction rating ni Vice President Leni Robredo sa ikatlong bahagi ng 2019 batay sa pinakahuling survey ng Social Weather Stations (SWS).
Sa resulta ng survey, lumabas na 56 porsyento ang satisfied o kuntento habang 23 porsyento ang dissatified sa trabaho ni Robredo.
Dahil dito, nasa +33 ang net satisfaction rating ng bise presidente sa “good” classification.
Samantala, nanatili naman si Senate President Vicente “Tito” Sotto III sa “very good” classification sa nakuhang +61 na net satisfaction rating.
72 porsyento ang satisfied o kuntento sa kaniyang trabaho habang 11 porsyento naman ang dissatisfied.
Nakuha naman si House Speaker Alan Peter Cayetano ng ‘good’ classification sa +49 na net satisfactiong rating.
64 porsyento sa mga respondent ang nagsabing kuntento sila sa mga nagagawa ni Cayetano sa Kongreso habang 14 porsyento naman ang dissatisfied.
Nanatili naman sa ‘moderate’ ang net satisfaction rating ni Supreme Court Chief Justice Lucas Bersamin sa +16.
35 porsyento ang satisfied o kuntento sa trabaho ni Bersamin habang 19 porsyento naman ang dissatisfied.
Isinagawa ang survey sa 1,800 na Filipino adults sa buong bansa sa pamamagitan ng face-to-face interview mula September 27 hanggang 30, 2019.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.