Usapin ng susunod na House Speaker, nasa kamay pa rin ni Pangulong Duterte – Cayetano

Kuha ni Erwin Aguilon

Ipinauubaya na ni House Speaker Alan Peter Cayetano kay Pangulong Rodrigo Duterte ang usapin ng term-sharing sa House Speakership.

Ayon kay Speaker Cayetano, isa o dalawang buwan bago matapos ang 15 buwan niyang termino bilang pinuno ng Kamara ay makikipag-usap siya kay Pangulong Dutere.

Hihingi aniya siya ng instructions na may kaugnayan sa speakership at kung ano ang sabihin ng pangulo ay iyon ang masusunod.

Paliwanag pa ni Cayetano na ito rin ang napagkasunduan nila ni House Majority Leader Martin Romualdez at Marinduque Rep. Lord Allan Velasco.

Dahil malayo pa naman aniya ito ay nakatutok silang lahat ngayon sa trabaho.

Siniguro naman nito na walang dapat ikabahala ang sinuman dahil kung ano ang naunang atas ng pangulo sa usapin ng Speakership ay ito pa rin ang masusunod.

Read more...