Source ng Washington Post, ignorante – Malakanyang

By Chona Yu October 16, 2019 - 07:47 PM

Ignorante!

Ito ang naging bwelta ng Palasyo ng Malakanyang sa source ng Washington Post kung saan sinasabing kagimbal-gimbal ang naging pag-uusap sa telepono nina U.S. President Donald Trump at Pangulong Rodrigo Duterte noong April 2017.

Sa naturang pag-uusap, hinahanggan ni Trump ang ginawa ni Duterte sa pagtugon sa problema sa ilegal na droga, bagay na binabatikos ng iba’t ibang human rights group dahil sa madugo at marahas na operasyon.

Ayon kay Presidential spokesman Salvador Panelo, ang tinutukoy ng Washington Post ay ginawa nang official statement ng Malakanyang noon pang April 30, 2017.

Wala aniyang kabuluhan ang artikulo dahil noon pa man naging hayagan na sa publiko ang pribadong pag-uusap ng dalawang world leaders.

Banat pa ni Panelo, akma rin sa Washington Post ang kanilang slogan na “Democracy Dies in Darkness” dahil namatay din ang prestihiyosong pahayagan dahil sa pagsawsaw sa kanilang sarili sa political propaganda.

Wala rin aniyang alam ang source ng Washington Post sa tunay na kalagayan ng kampanya ng Pilipinas kontra sa ilegal na droga.

Patas lamang aniya ang paghusga ni Trump na tama ang ginagawa ng pangulo sa anti-drug war campaign dahil sa kaniyang unlimted at malawak na access sa impormasyon.

TAGS: Rodrigo Duterte, Salvador Panelo, U.S. Pres. Donald Trump, Wahsington Post, Rodrigo Duterte, Salvador Panelo, U.S. Pres. Donald Trump, Wahsington Post

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.