5 sasakyan nagkarambola sa EDSA Timog Flyover; Isa sugatan

Nagkarambola ang limang sasakyan sa EDSA Timog flyover Southbound, Miyerkules ng umaga.

Ayon sa imbestigasyon, bigla umanong huminto ang nasa unahang sasakyan kung kaya’t nangyari ang aksidente.

Ang mga sangkot na sasakyan ay isang Public Utility Jeepney, isang Sports Utility Vehicle, isang taxi, isang Toyota Innova at isa pang kotse.

Isa naman ang nasugatan sa aksidente.

Nagdulot ang aksidente ng matinding sikip sa daloy ng trapiko sa lugar.

Read more...