Isang pulis, patay matapos aksidenteng mabaril ang sarili sa Davao del Sur
Dead-on-arrival nang itakbo sa ospital ang isang pulis matapos makitang may tama ng bala ng baril sa noo sa Davao del Sur.
Ayon kay Capt. Robert James Carumba, hepe ng Kiblawan police, natagpuan si Police Master Sergeant Brigham Wayne Pascual na may tama ng bala, Martes ng umaga.
Nakuha aniya kay Pascual ang isang M-16 Armalite rifle at isang basyo ng bala nito.
Sa inisyal na imbestigasyon, posibleng aksidente nabaril ni Pascual ang kaniyang sarili.
Isinugod pa si Pascual sa Gregorio Matas Provincial Hospital ngunit nasawi rin kalaunan.
Patuloy pa ang isinasagawang imbestigasyon sa insidente.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.