Isang bloke ng marijuana, nasamsam sa Laguna

By Angellic Jordan October 16, 2019 - 06:47 PM

Inquirer file photo

Nakumpiska ang isang bloke ng hinihinalang marijuana sa Sta. Cruz, Laguna Martes ng gabi.

Ayon kay Police Col. Eleazar Matta, hepe ng Laguna police, ikinasa ang buy-bust operation sa bahay mismo ng suspek sa bahagi ng Barangay Pagsawitan bandang 11:00 ng gabi.

Positibong nakabili ang pulis na nagsilbing poseur buyer sa naarestong suspek na si Renz Marion Lucea, 22-anyos, ng marijuana na nagkakahalaga ng P500.

Nakuha kay Lucea ang isang bloke ng marijuana na may bigat na apat na kilo at nagkakahalaga ng P80,000.

Mahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

TAGS: laguna, Marijuana, Renz Marion Lucea, sta cruz, laguna, Marijuana, Renz Marion Lucea, sta cruz

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.