Guro, kritikal matapos pagbabarilin sa Bukidnon

Kritikal ang kondisyon ng isang guro ng Dalet Elementary School sa Valencia City, Bukidnon matapos pagbabaril sa kasagsagan ng flag raising ceremony, Martes ng umaga (October 15).

Nangyari ang pamamaril pasado 8:00 ng umaga.

Nakilala ang biktimang si Zhaydee Cabañelez na nagtamo ng tama ng bala ng baril sa dibdib at sa dalawang paa.

Agad naman naisugod sa pagamutan ang guro.

Si Cabañelez ay naparangalan noong 2016 bilang Outstanding Teacher at miyembro ng teacher-unionist.

Mabilis namang nakatakas ang mga suspek na nakasuot ng face mask.

Nagpapatuloy pa ang ginagawang imbestigasyon sa insidente upang malaman ang pagkakakilalan ng mga suspek at ang motibo sa pamamaril.

Read more...