2 mataas na opisyal ng CENRO sa Pasig City, sinuspinde

By Angellic Jordan October 16, 2019 - 04:32 PM

Sinuspinde ng pamahalaang lungsod ng Pasig ang dalawang mataas na opisyal ng City Environment and Natural Resources (CENRO).

Ito ay dahil sa kabiguang aksyunan sa ilang environmental violations.

Hindi kasi umaksyon ang mga opisyal matapos makita ang paglabag sa isinagawang inspeksyon sa ilang business dumping wastewater sa mga drainage sa lugar.

Sa Twitter, sinabi ni Mayor Vico Sotto na suspendido ang dalawang opisyal habang nagsasagawa ng imbestigasyon ukol dito.

Mababalewala kasi aniya ang lahat ng hakbang para malinis ang mga ilog at iba pang waterways kung magpapatuloy ang dating nakaugalian na panunuhol.

Dagdag pa ng alkalde, tuloy ang laban ng lungsod kontra sa korapsyon.

TAGS: City Environment and Natural Resources (CENRO), environmental violations, Vico Sotto, City Environment and Natural Resources (CENRO), environmental violations, Vico Sotto

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.