Kinatigan ng Philippine National Police – Internal Affairs Service (PNP-IAS) ang panukalang ihiwalay sila sa pambansang pulisya.
Sa Camp Crame, sinabi ni IAS Insp. Gen. Alfegar Triambulo, ang panukala ay isa sa kanilang itinutulak.
Base kasi aniya sa kanilang pag-aaral, hiwalay ang internal affairs sa ibang bansa.
Mayroon aniyang kapangyarihan ang IAS sa ibang bansa na mag-alis ng hepe ng PNP o iba pang opisyal base sa mga kinakaharap na anomalya o kaso.
Inihain ni PBA party-list Rep. Jericho Nograles ang House Bill 3065 para palakasin ang internal affairs mechanism ng PNP.
MOST READ
LATEST STORIES