Sunog sumiklab sa lumang palengke sa Malalag, Davao Del Sur

By Jimmy Tamayo October 16, 2019 - 12:43 PM

Nabulabog ang masayang kapistahan sa bayan ng Malalag sa Davao del Sur nang sumiklab ang sunog sa isang lumang palengke Martes ng umaga (October 15).

Nangyari ang sunog sa kasagsagan ng kapistahan ng kanilang patron saint na si Sta. Teresita de Avila bandang alas-11:00 ng umaga.

Ayon sa ulat nasa tatlong pwesto ang natupok ng apoy kabilang ang isang bakery.

Nadamay naman sa sunog ang isang kotse at isang motorsiklo.

Ang nasabing palengke ay ilang metro lamang ang layo sa tanggapan ng alkalde ng nasabing bayan.

TAGS: Davao del Sur, lumang palengke, Malalag, Sta. Teresita de Avila, sunog, Davao del Sur, lumang palengke, Malalag, Sta. Teresita de Avila, sunog

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.