Barker arestado sa panggagahasa sa isang 12-anyos na bata sa Bacolod City

By Jimmy Tamayo October 16, 2019 - 12:10 PM

Isang barker ang inireklamo ng panggagahasa sa isang 12-anyos na batang babae sa Bacolod City.

Kinilala ang suspek na si Lito Vergara, 37-anyos at residente ng Ciocon Road sa Barangay 26 sa naturang lungsod.

Ayon sa ulat, galing ang biktima ng Negros Occidental at napadpad sa Bacolod City makaraang maglayas mula sa kanyang magulang noong Linggo.

Dahil hindi umano alam ang pupuntahan, nagtungo ang bata sa plaza ay dito ay nakilala niya ang misis ng suspek na nagtitinda sa plaza.

Tinulungan umano nito ang bata at pinatulog sa kaniyang pwesto.

Noong Lunes, ginising umano ng suspek ang bata at isinama sa kanilang bahay kung saan ginawa ang krimen.

Binantaan pa umano ng suspek ang biktima na huwag magsusumbong sa mga pulis pero hindi ito ginawa ng bata na agad na nagsumbong sa mga pulis.

Nakumpirma ang panghahalay makaraang isailalim sa medical check-up ang bata at nakitaan ng sugat sa kanyang ari.

Nang maaresto, inamin ni Vergara ang ginawang krimen.

TAGS: 12-anyos na bata, bacolod city, Barker arestado, panggagahasa, 12-anyos na bata, bacolod city, Barker arestado, panggagahasa

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.