Sunog sumiklab sa public market sa Datu Odin Sinsuat, Maguindanao

By Jimmy Tamayo October 16, 2019 - 12:38 PM

Nasa 30 tindahan ang natupok sa sunog na sumiklab sa isang palengke Datu Odin Sinsuat, Maguindanao Martes ng gabi (October 15).

Ayon sa fire department ng Datu Odin Sinsuat, naitala ang sunog alas-11:28 ng gabi sa public market na nasa Barangay Dalican.

Karamihan sa mga natupok ay tindahan ng isda at gulay at ilang mga kainan na pawang gawa sa light materials.

Mabilis namang naapula ang apoy na idineklarang fire out matapos ang 30 minuto.

Aabot sa P150,000 ang halaga ng natupok ng apoy at wala namang naitalang nasugatan sa pangyayari.

TAGS: Datu Odin Sinsuat, maguindanao, Public Market, sunog, Datu Odin Sinsuat, maguindanao, Public Market, sunog

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.