Premyo sa US Powerball umabot na ng $1.4 billion

January 12, 2016 - 10:04 AM

POWERBALLNadagdagan pa ang jackpot prize sa US Powerball na ngayon ay nasa $1.4 billion na at inaasahang tataas pa dalawang araw bago ang draw.

Ito na ang pinakamataas na Powerball jackpot prize sa kasaysayan.

Sa Miyerkules pa ang bola ng Powerball sa US at kung marami pa ring bibili ng tickets bago ang draw ay tataas pa ang premyo.

Noong Sabado ng gabi sa isinagawang draw, walang nakakuha ng winning six numbers combination.

Ayon kay Texas Lottery executive director Gary Grief, ngayon lang umabot sa ganito kalaking halaga ang premyo sa Powerball.

Ang tsansang manalo sa US Powerball ay “one in 292.2 million”.

Nasa 44 na U.S. states ang may pinatatakbong Powerball.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.