Pag-renew sa prangkisa ng ABS-CBN bahala na ang kongreso – Malakanyang

By Chona Yu October 16, 2019 - 10:19 AM

File Photo

Ipinauubaya na ng Palasyo ng Malakanyang sa kamay ng kongreso ang kapalaran ng pagrerenew ng prangkisa ng TV station na ABS-CBN.

Ayon kay Presidential spokesman Salvador Panelo, hindi mapagtanim ng galit si Pangulong Rodrigo Duterte kahit kanino man.

Matatandaang makailang beses nang pinagbantaan ni Pangulong Duterte ang ABS-CBN na hindi na marerenew ang kanilang prangkisa dahil sa hindi pag-ere ng kanyang campaign jingle noong 2016 presidential elections kahit bayad na ang airtime.

Ayon kay Panelo, isang mabuting tao si Pangulong Duterte

Pagpapahayag lamang aniya ng inis ang ginawa ng pangulo nang pagbantaan noon ang ABS-CBN.

March 2020 nakatakdang mapaso ang prangkisa ng ABS-CBN.

Nasa kamay pa ng Kamara ang bola matapos ihain ni House Deputy Speaker Vilma Santos-Recto ang bill sa franchise renewal ng Broadcast network na inaasahang pag-uusapan ng Committee on Legislative Franchise sa pagbabalik ng sesyon nito sa susunod na buwan.

TAGS: ABS-CBN, Committee on Legislative Franchise, franchise renewal, House Deputy Speaker Vilma Santos-Recto, Palasyo ng Malakanyang, Pangulong Duterte, Salvador Panelo, ABS-CBN, Committee on Legislative Franchise, franchise renewal, House Deputy Speaker Vilma Santos-Recto, Palasyo ng Malakanyang, Pangulong Duterte, Salvador Panelo

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.