Higit 7,000 government nurses delikadong mawalan ng trabaho sa 2020 – Sen. Ralph Recto
Nanganganib ang trabaho ng higit sa 7,100 nurses sa mga pampublikong ospital at health centers sa susunod taon.
Ito ang sinabi ni Senate President Pro Tempore Ralph Recto dahil sa napipintong tapyas na higit P9.3 bilyon sa 2020 budget ng Department of Health.
Aniya kabilang sa higit na maapektuhan ng isinusulong na ‘budget cut’ ay ang Human Resource for Health Deployment Program ng kagawaran.
Magbubunga din ito ng kawalan ng 202 dentista at medical technologists.
Banggit ni Recto sa kabuuang maaring mawalan ng trabaho ang halos 11,000 health personnel na nasa ilalim ng nabanggit na programa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.