Pinag-aaralan na ang panukala ni Senator Sherwin Gatchalian na layon magkaroon ng malinaw na regulasyon sa parking fee na sinisingil sa mga establisyimento.
Layon ng Senate Bill No. 745 o ang Parking Fees Regulation Act na magkaroon ng standard parking fee sa mga shopping malls, ospital, eskwelahan at ibang pang establisyimento.
Pinansin ni Gatchalian na mataas ang parking fee sa ilang establisyimento kaya’t inihain niya ang panukala na maging P40 ang parking sa unang walong oras, P10 sa bawat sobrang oras at P100 na overnight parking fee.
Nais din ng senador na malibre na ang parking fee sa motorist na bumili ng P1,000 halaga ng produkto o serbisyo kung tumagal lang ng tatlong oras ang kanilang pagparada.
Gusto din ni Gatchalian na papanagutan ng may ari ng establisyimento ang anumang pinsala na mangyayari sa sasakyan sa loob ng pay parking lots.
Banggit pa nito na magkakaroon ng karampatan multa ang mga lalabag sakaling maging ganap na batas ang kanyang panukala.