Nagkakaisa ang minoriya sa Senado sa pagtutol sa desisyon ng Korte Suprema ukol sa electoral protest ni dating Senator Bongbong Marcos laban kay Vice President Leni Robredo.
Sa inilabas na pahayag nina Sens. Frank Drilon, Francis Pangilinan, Leila de Lima at Risa Hontiveros, malinaw naman na si Robredo ang nanalo sa 2016 vice presidential race.
Anila sa tatlong probinsya na tinukoy ni Marcos na hinala niya ay nadaya siya ay nadagdag pa ang boto ni Robredo.
Kaya’t ayon sa apat na opposition senators, ibasura na ang kaso at tanggapin na ang panalo ni Robredo.
Ipinagtataka din nila ang tila pagsasantabi ng Korte Suprema sa sarili nitong patakaran na dapat ay ibasura na ang kaso kung hindi rin lang magkakaroon ng basehan ang paghahabol ni Marcos.