Lumalabas na naging ‘health conscious’ na ang mga Pilipino base sa resulta ng isinagawang survey ng Pulse Asia sa huling quarter ng 2015.
Ang survey ay ginawa mula December 4 hanggang December 11 sa 1,800 respondents na pawang mga botante na may edad 18 pataas.
Sa nasabing survey, lumalabas na ang kanilang ‘most urgent personal concern’ ay ang maging malusog at makaiwas sa sakit sa 66 percent.
Pumapangalawa naman sa mga napili ng respondents ang makapagtapos sa pag-aaral sa 48 percent, habang ang dalawang iba pa ay ang magkaroon ng magandang trabaho (43 percent) at ng makakain araw-araw (41 percent).
Kabilang naman sa iba pang nabanggit ng mga napagtanungan ay ang pagkakaroon ng ipon (39 percent), at bahay at lupa (43 percent), pati na ang maka-iwas na mabiktima ng anumang krimen (41 percent).
Majority rin sa mga geographic areas at socioeconomic classes ang pananatiling maganda ang kalagayan ng kalusugan (68 percent).