Isa na namang outbreak ng African Swine Fever (ASF) ang naitala sa China.
Ayon sa anunsyo ng Ministry of Agriculture and Rural Affairs ng China araw ng Martes, nakitaan ng ASF ang mga baboy na dadalhin sana sa Guangxi region.
Apatnapu’t walong baboy sakay ng dalawang truck sa Bobai County ang nagpositibo sa sakit.
Siyam na sa mga baboy ang namatay.
Hindi delikado sa tao ang ASF ngunit nakamamatay ito sa mga baboy na nakaapekto sa hog production hindi lamang sa China kundi sa buong mundo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.