Ayon sa Batasan Police, nagkasa ng operasyon laban sa mga tulak ng droga sa nasabing baranggay na nakilalang sina alyas ‘Jayson’ at ‘Romnick’.
Nagsisilbi namang taga-abot ng shabu ang isang 15-anyos na binatilyo na kasama ng dalawa.
Target ng mga suspek ang mga tricycle drivers, construction workers at mga nangangalakal ng basura.
Nakumpiska mula sa mga suspek ang 11 plastic sachet ng shabu na tinatayang nagkakahalaga ng P70,000.
Pinabulaanan ng mga suspek na sa kanila ang nakuhang mga droga.
Sasampahan ang mga ito ng kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
MOST READ
LATEST STORIES